Ang website na ito ay isang malayang site na tumutulong sa mga tao upang maunawaan ang kahulugan ng buhay, at mamuhay ng tama, na makilala ang Diyos at maunawaan ang Salita ng Diyos. Sapagka’t maraming tao ang naliligaw ng landas, naguguluhan sa kanilang pagpili, bigo dahil sa mga pagkakamali, paghihiwahiwalay dahil sa pagtatalo- talo at kawalan ng pag- asa sa buhay sa mga nangyayari. Sa kabila ng mga paghihirap na nadadama at mga kakulangan dahil sa mga limitasyon nais kong ibahagi ang natutunan ko sa aking buhay at sa alam kong tama, at salamat sa Diyos dahil sa naging posibleng mangyari ito na makatulong sa kapwa kahit sa pagbibigay lamang ng mga payo at pagkilala sa iba’t ibang tao upang maging kaibigan sila. Ang website na ito ay para sa lahat at maaring kopyahin lahat ng mga article na naririto dito upang makatulong na ipasa sa iba o gawing gabay na mabigyang linaw at maitama ang mga nalagay na mga mensahe para makapag bahagi ng inyong sariling opinion. Ang website ay natapos nung Hunyo 9, 2008 oras 4:50 P.M., at lalo pang sinisikap na ayusin ito at gamitin para sa mission sa bansang pilipinas. Mula kay:
James M. Gutierrez
Christian Author/Reach Out07 Manager