Ang Kaligtasan at layuninThis is a featured page


Maraming tao sa mundong ito ang nagtatanong at nagtataka kung bakit nabubuhay siya sa mundong ito na tila walang katiyakan at puro kaguluhan, kaibigan maaring di mo nauunawaan sa ngayon dahil nabubuhay ka ayon sa takbo ng sanlibutan at sa mga plano mo sa buhay na para sa sarili, maaring iba ang layunin mo? maaring isa ka sa mga taong punung- puno ng prinsipyo o kuntento ka ngayon sa araw- araw na ikot ng buhay sa mundo.

Subalit ito ay hindi isang lihim bagkus nais ng Diyos na spiritu na lumikha sa lahat ng bagay (siya ay hindi likha ng kamay ng makasalanang tao,) ang naghihintay sa iyo, hindi ito dahil sa relihiyon o ano pa man, kung hindi ito ay ang dakilang pag ibig niya, ng nasa kasalanan pa tayo ay namatay si Hesus para iligtas tayo na patungo sa impyerno, ang nais niya ay sumampalataya ka sa kanya tangappin mo siya bilang iyong panginoon at tagapagligtas na taus sa iyong puso, dahil ikaw ay minamahal niya at ayaw kanyang mapahamak kundi magkaroon ka ng buhay na walang hanggan sa langit at ito ay pangako niya sa gabay ng Banal na Spiritu na ang Desisyon mo ngayon ay pang eternal at ang salita niya ay magpakailan pa man at hindi nagbabago.


Maraming tao ang naliligaw ng landas at marami ang naghahanap ng kasagutan, at siya lamang ang kasagutang hinahanap ng tao, dahil kamtan mo man ang lahat ng bagay sa sanlibutan ay lilipas lamang ito at wala kang kapayapaan sa puso mo kung wala pa siya sa buhay mo, binigay niya ang kanyang Banal na Salita noon pa man hanggang ngayon, at ito ang tunay na karunungan sa buhay na ito, ang malaman mo ang katotohanan at mamuhay ng naayon sa tama, maaring mahirap subalit ito ay magiging madali kung magtitiwala sa Diyos at lagi siyang iuna, at gawin mo ang makakaya mo para maging matuwid na Kristiano hindi para maligtas kundi maging halimbawa at bunga upang makita ang sa iyo ang Diyos, matapos kang manampalataya kay Hesus at ikaw ay maligtas, na ikaw ay magpabautismo bilang pagpapatotoo at pagsali sa Banal na Hapunan kung nauunawaan mo na ito, nais niya na alalahanin mo siya sa mga araw mo, dahil binigay niya ang anim na araw para gawin mo ang dapat mong gawin at isang araw lang hiniingi niya, ang pasalamatan siya at purihin siya sa Kanyang kabutihan.

Lahat ng ito ay bahagi ng katotohanang na dapat malaman ng tao hindi lamang dahil obligado siyang magsimba? O dahil tumutulong siya sa iba?, na siya ay namumuhay ng tama at maging malakas sa oras ng mga pagsubok na maging balanse at marunong makuntento sa buhay dito sa lupa, na makilala pa ang Diyos at ang Kanyang mga Salita dahil muling babalik si Hesus sa di inaasahan upang hatulan sa matuwid na hatol ang mga hindi sumampalataya sa kanya.




Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator


James307
James307
Latest page update: made by James307 , Jun 2 2008, 11:07 PM EDT (about this update About This Update James307 Securing Page - James307

No content added or deleted.

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.