Ang buhay ng taoThis is a featured page


Ang isang sangol ay wala pang nalalaman at nasa alaga pa ng kanyang ina, hanggang sa lumaki siya at magkaisip, marunong ng magsalita at tumayong lumalakad, at ang bata na makikipaglaro sa kalaro at papasok na sa iskwela elementarya, nagsisimulang magkaroon ng kakatwang karanasan bilang bata at mga paglalakbay, hanggang sa magbinata at magdalaga na at pumasok na ng “high school” at dumaan sa proseso ng “maturity”, at makarating na sa point na manliligaw na siya, tapos ng masayang buhay sa high school, maghahanap ng trabaho at hanggang magkaroon siya ng tahanan at magkapamilya, tuloy ang buhay kasama ang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, ang komunidad at maging simabahan, natututo siya hanggang sa dumating ang mga pagsubok at problema ng buhay, nagiging matatag siya at tulad ng mga nauna sa kanya na nagtagumpay at iba naman nabigo, ayun sa takbuhin at landas na pinili nila.

Dumadating ang mga punto na sa buhay ng tao ang trahedya , mga pagtatalo- talo at ang pagkasira ng sarili, ito ay dahil normal lamang sa buhay? o kaya naman ay kagagawan ng tao sa kanyang pabigla biglang desisyon, ang hindi pagkakaunawaan at pagpanaw ng mahal sa buhay, lahat ng ito ay naayon sa situasyon at panahon, lahat nagbabago at ang ito ay may hangganan, habang may buhay may pag- asa, ang dapat mong gawin ay magtiwala una sa Diyos, magtiyaga sa kahirapan, at magplano para sa pagbabago na maituwid lahat ng pagkakamali, ang buhay ng tao ay maiksi lamang ito ay regalo ng Diyos na dapat pahalagaan maging ang kapwa at lahat ng bagay na hiram lamang.

(At may ikalawang buhay pa sa kabila at ito ay spiritual at eternal, sa langit na wala ng problema at pagluha, O sa impyerno na puro pagdurusa at kadiliman, manampalataya ka kay Hesus o kaparusahan magpakailanman sa lawa ng apoy, Ang desisyon mo? saan ka mag “spend ng eternity?”).

Ang buhay mo na pinagkaloob sa iyo ay mahalaga gamitin mo sa alam mong dapat, at mamuhay ng tama.



Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator


James307
James307
Latest page update: made by James307 , Jun 3 2008, 12:45 AM EDT (about this update About This Update James307 Securing Page - James307

No content added or deleted.

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.