Ang manloloko at nagpapalokoThis is a featured page


May mga klaseng ng tao sa mundo, na may mga taong manloloko ng kapwa at may mga tao naman na nagpapaloko, at meron namang hindi nanloloko at nagpapaloko, maaring ang mga nanloloko sa iyo ay kapamliya mo o kaibigan mo at mga taong nasa paligid mo lamang, malaking bahagi ng buhay ng tao ang pagkakaroon mabuti, patas at wastong pakikitungo sa tao at ng tao sa kanya, subalit di na maalis ang mga taong walang magawa sa buhay o mga taong nangangailangan kahit na manloko sila ng kapwa, at ang panloloko ay uri ng pagkukungwari, pandaraya at pananakit ng kapwa, at ito ay labag sa Diyos at sa batas ng tao, kung ito ay malaking issue, at ang tao minsan ay nagkakaroon ng maling pag- iisip at o ugali depende sa lugar na kinalalagyan niya, at ng mga kaibigang umiimpluwensya sa kanya na gumawa ng mali, subalit ang panloloko at panglalamang ng tao, ay sadyang mabigat para sa iba na nagdadala ng matinding galit at kawalan sa kanila kung bagay man o ito o buhay, at naglalagay ng kalungkutan sa isang tao.

Ang tao rin minsan ang dahilan kung bakit siya ay naloloko ng ibang tao at ito ay dahil sa kahinaan, di pag- iingat at kawalan ng pagpapahalaga sa mga payo ng mas mabubuti at praktikal na kaibigan, minsan akala natin na ang taong pinagkakatiwalaan natin ay tunay ngunit sa huli sila pala ang loloko sa atin, at nababalewala natin ang mga bagay o buhay na mahalaga sa atin, at tinanggap natin na malaking pagkakamali at malaking kabiguan ang sitwasyong ito marunong din dapat tayong magpatawad sa nagsisi at wag matakot sa bawat tao nakakasalamuha natin, imbis matuto tayo sa nangyari at sa susunod ay mag- ingat na tayo sa pagpili ng kaibigan, at pagtanggap ng mga taong nasa paligid natin, at paano ba talaga maiiwasan ang mga panloloko at mga manloloko? ang pagkilatis ng tao, pagiging praktikal sa bawat desisyon natin, ang pagtanggap natin sa mga totoo at mabubuting kaibigan na mapagkakatiwalaan natin at makinig sa payo nila.

At tayo rin naman na sabihan ang mga taong gumagawa ng panloloko na may "Diyos na humahatol" sa gumagawa ng kasamaan sa kanyang kapwa at "batas ng tao" na maging babala, at maging ang "kunsensya" na magsasabi sa kanila kung ano ang tama at mali para pinipigilan sila sa gawang masama.



Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator




James307
James307
Latest page update: made by James307 , Jun 6 2008, 5:25 AM EDT (about this update About This Update James307 Securing Page - James307

No content added or deleted.

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.