Mahirap abutin ang mga pangarap sa buhay at lagpasan ang mabibigat ng pagsubok, lalo na kung ang pangarap ay mataas at marami kang pagdadaanang problema, maraming mga steps at mga proseso, maraming oras at panahong hihintayin, maaring ito ay mapapadali kung matatag ang isang tao at pursigido siya sa kanyang ginagawa, malayo man ang takbuhin at mahirap man kung iisipin, subalit ang pagawa at paniniwala sa sarili na maabot ang isang bagay sa wastong paraan, ngunit maraming tao sa mundo ang sinasakripisyo ang lahat kahit sa maling paraan ang nauuwi sa kabiguan at pagsisisi sa huli. Ang pananalig sa Diyos at pagsisikap ay dalawa sa pinakamahalagan susi sa tagumpay, ang mga pagsubok at mga problema ay normal lamang sa buhay, at ito ay para matuto at magtagumpay sa buhay, ang isang taong di makaya ang mga pagsubok at dinadaan sa sigarilyo, alak at sugal ay hindi mapagpapala at kawalan sa kanya ang mga bagay na di niya kayang abutin at lampasan, kung sa pag- aaral, pag- ibig, trabaho o sa anumang bagay na nais niya. Ang katamaran at panghihina ng loob ang dalawang dahilan na rin ng taong bigo at ang pagkabigo ay nagiging rason kung bakit nagpapakamatay ang isang tao dahil din sa nawawalan na siya ng pag-asa, at tuluyan ng isuko ang kanyang buhay, ang paghahanda at pagsasanay maging ang pagpaplano ang napakagandang gawing stratehiya, sa paparating na mga pagsubok, sa pagreresolba ng mga problema at sa kung paano madaling makakamit ang mga pangarap sa buhay, maaring matagal at nakakatakot ang magiging resulta, pero ang Diyos pa rin ang magsasabi kung ano ang magiging kahihinatnan ng tao sa kanyang pagsisikap o pagiging tamad?, dahil alam niya ang mabuti para sa tao at patas lamang siya, sa pagsisikap ng tao malaking chansa na maabot niya ang kanyang mga mithiin, subalit ang taong tamad malayong ito' y maabot niya pwera nalang kung magkakaroon ng himala. Ang pangarap ng tao na nais niyang makamit ay parang takbuhin na nais niyang maabot ang premyo sa huli ng karera, sa bawat problemang na nasulusyunan at sa mga oras, panahon na di sinayang, kaginhawaan ang at masasabi mo na kaya mo pala dahil napagtagumpayan mo ang pagsubok gaano man ito kalaki o kaliit. Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator