Ang paghihirap dahil sa kasalananThis is a featured page


Ang kasalanan ay nagdudulot ng kahirapan sa mga tao maging individual o kasama ibang tao sa pagawa nito, maraming uri ng kasalanan at may sinasadya at di sinasadyang kasalanan na ang resulta ay depende sa kasalanang nagawa ng isa o maraming tao, at sa mata ng Diyos ang maliit at malaking kasalanan ay parehong kasalanan, subalit ang hatol ay batay sa laki at liit ng kasalanan niya, sapagka’t ang "Diyos ay katwiran" at hukom ng lahat, sa batas ng tao ang kasalanan din na nagawa ay hahatulan ng ayon sa nilagay ng batas kung mabigat o magaan ito, subalit ang batas ng tao ay nagkakamali rin minsan ng hatol sa napagbinatangan laman.

Ang kasalanan din ay nagdudulot ng kamatayan at kaparusahan magpakailanman, Subalit binigyan ng Diyos ang lahat ng tao ng pag- asa sa pamamagitan ni Hesus na tagapagligtas, na ang pagsisisi ay may kasamang pagbabago at kapag ito’y natupad ng buong puso, asahan ang mga pagpapala at kapayapaan ng isipan, ayon ito sa konskwensya ng mabuti at masamang gawain.


May mga tao na gumagawa ng kasalanan na ayaw pagsisihan dahil sa mga kagustuhan at mabibigat na kadahilan sa sarili niya, ang pagnanakaw dahil tinutulungan ang mga mahal sa buhay ay kasalanang pagkuha ng bagay na hindi sa iyo, imbis na magtrabaho ka, ang pagpatay, pangangalunya, pagrerebelde, pagsisinungaling at pangkukulam at halimbawa ng mga kasalanan, habang di ito pinagsisihan ay lalong bumibigat ang parusa nito, at maraming maapektuhan at lalong masasadlak sa kahirapan ang mga taong ito kasama ang nagkasala.

Mahirap mang tangappin na tayong lahat ay nakakagawa ng kasalanan, maliit man o malaki, sinasadya man o hindi, dahil nature ng tao ito, ngunit hindi ito maaring gawing excuse ng tao dahil sa mahina siya, pinagkalooban tayo ng karunungan para malaman natin ang tama at mali, binigyan tayo ng “free will” para pumili kung mabuti ba o masama?, at mga hukuman sa langit at sa lupa upang iwasan at maging babala sa mga gagawa ng kasamaan upang hatulan at parusahan, at maging ang ating konsensya ay magsasabi sa atin na hindi natin dapat ito gawin, kaya nga dapat tayong matuto at mag- ingat, labanan ang tukso ng kasalanan na nagdadala ng kahirapan at kamatayan na patungo sa kaparusahan sa impyerno kung kung namatay ka at di nanampalataya kay Hesus.




Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator


James307
James307
Latest page update: made by James307 , Jun 3 2008, 11:50 PM EDT (about this update About This Update James307 Securing Page - James307

No content added or deleted.

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.