Pag- ibig at salapiThis is a featured page


Ang pag- ibig sa isang tao ay hindi nababayaran ng salapi at ang salapi ay ginagamit sa wastong gamit nito, maraming tao sa mundo ang naghahanap ng tunay na pag- ibig, subalit paano masasabi na ang pag- ibig ay tunay? kung ito ay humiingi ng kapalit o may kasamang pagkukunwari? ang pag- ibig na totoo ay galing mismo sa puso, at ang pag- ibig naman bilang pakikipagkapwa tao ay isang uri ng pagtulong na pangalawa sa dakilang utos ng Diyos, na mahalin mo ang iyong kapwa bilang kapatid o kaibigan, maging ang iyong kaaway tulad ng pag ibig ng Diyos sa iyo at sa lahat ng tao na may kasamang pagpapatawad.

Ang personal na pag- ibig ay pagnanasa at kagustuhan sa isang lalaki o babae dahil nararamdaman niya ito, ay maaring totoo o may halong kalokohan lamang? ang lalaking “sincere” sa kanyang nililigawan ay may “attitude” na marunong umintindi ng kalagayan, rumirespeto ng desisyon ng babae, at maghihintay sa babae kung sila nga ay para sa isa’t isa, dumadaan muna sa pagsubok at minsan di pagkakaunawaan hanggang sa maayos ang lahat at ang babae na may gusto sa isang lalaki ay marunong magtimpi, maging tapat ang desisyon sa nanliligaw at kailangan ang mga magulang para sa payo dahil mas alam nila ang makakabuti.

Ang isang tapat na asawa ay hindi iiwan ang kanyang asawa at mga anak kung meron na silang mga anak, mananatiling tapat sila sa isa’t isa dahil din naman sa pinag- isa sila sa kasal at yun ang panghabang buhay na pangako, subalit nakakalungkot isipin, na may mga lalaki naman na nambababae o asawang babae na nanlalalaki dahil hindi makuntento ang sumusira sa relasyon at pamilya, naapektuhan ang kanilang mga anak at mga mahal sa buhay, at may mga binata o dalagang nagpapakamatay dahil sa kabiguan o nagbabago ng ugali na nagiging manhidat takot na magmahal, dahil ito sa mga di pagtangap, panloloko at dahil siya ay umasa at binigay ang lahat subalit bigo pa rin.

Ang salapi ay isa sa dahilan ng pang- aabuso at pagkasakim dahil sa maling pagamit nito at nagiging alipin ang tao sa pera at mga bagay na gusto niya, na nauuwi sa kasalanan at pagbagsak, may mga mayayaman na takot at walang kapayapaan sa buhay nila dahil baka manakawan o sila ay patayin kung may dinayang tao, subalit may mga mahihirap na marunong makuntento kung anong meron na sila'y mas malapit sa Kaharian ng Diyos, at may mga taong nasa gitna lamang na normal na namumuhay at simple lamang maaring meron gustong yumaman o maaring masaya na ang iba sa kung anong meron sila.

"Tunay nga na hindi mabibili ng pera ang tunay na pag- ibig personal man o pakikipagkapwa tao... at ang taong marunong ay marunong gamitin ang kanyang salapi at maging matagumpay sa huli..."




Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator


James307
James307
Latest page update: made by James307 , Jun 5 2008, 7:39 AM EDT (about this update About This Update James307 Securing Page - James307

No content added or deleted.

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.