Pagiging balanse sa buhayThis is a featured page


Sa pamumuhay natin bilang mga individual o samahan mas mainam na tayo’y maging balanse bilang Kristiano at bilang isang mamamayan, ang wag hihigit at kukulang sa mga bagay- bagay, mapapersonal man o hindi, ang pagbigyan natin ang sarili natin na na walang pumipigil na alalahanin at takot, sa ikasisiya natin kung ito ay tama, at maging sa ibang tao, na maging bukas ang isipan natin at wag pa kontrol lagi sa mga tao kung kapamilya man o kaibigan o mga nakakataas sa atin, piliin natin ang alam nating dapat dahil may kanya- kanya tayong buhay para gawin ang nais natin, subalit matuto ring makinig kung di maganda ang ating ginagawa, matuto sa ating mga kabiguan at pagkakamali, buksan ang isipan sa normal, kakaiba at mga pagbabagong mangyayari, kung relasyon sa pamilya, ang pagpili ng mga tamang kaibigan o pagkilala sa iba’t ibang uri ng tao, o maging ito man ay concern patungkol sa mga hayop at sa ating kapaligiran, maging praktikal sapagka’t ang pagiging praktikal ay pagiging balanse, ang pagiging balanse ay pagiging natural at pagiging totoo sa sarili natin, ang tao na walang kontrol sa mga bagay bagay maging sa sarili, ay maaring hindi mauwi sa magandang resulta o pagkabigo at di pagiging kuntento.

Masarap mabuhay na nauunawaan natin ang kabuluhan na mahahalagang bagay at pangyayari, na maging matured, positive at ma- advantage natin ang mga disadvantages sa buhay, masusulusyunan natin ang mga malalaki at maliliit ng problema sa ating buhay sa pamamagitan ng pagiging balanse, dahil nakokontrol natin ito, at nalalaman natin kung ano ang tama at ano ang mali sa natutunan natin sa pang araw- araw na buhay.

Ang kailangan natin ay pang- unawa at pag- alam sa kalooban ng Diyos, ang pagharap sa katotohanan kung ano tayo at anong meron tayo, may mga tao minsan ay nagmamadali sa resulta at inaabuso ang magagandang bagay sa maling paraan tulad ng pagkakaroon ng salipi, sa pag- ibig o sa mga taong may mabubuting puso, ang pagbabalanse sa pag- aaral, pagtatrabaho, pagkakaroon ng sariling pamilya, sa pang araw araw na buhay, na maging halimbawa tayo ng pagkakaroon ng masayang buhay at makabuluhang pamumuhay, ang pagiging matagumpay at malaking posibilidad ng pag unlad.

Wag nating sayangi, bagkus magkaroon ng pagpaplano at maging balanse tayo sa lahat na bagay at sa lahat ng oras.



Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator




James307
James307
Latest page update: made by James307 , Jun 9 2008, 1:00 AM EDT (about this update About This Update James307 Securing Page - James307

No content added or deleted.

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.