Pagpapakatotoo at pagkamulatThis is a featured page


May mga taong sadyang mahina ang loob at ayaw tanggapin ang katotohanan sa sarili nila o sa kung anong pwedeng mangyari at nangyari na, may mga taong nabubuhay sa kasinungalingan, mga taong inaapi, mayroon din namang mga taong na may mabuting kalooban at patas na pagtrato sa ibang kapwa tao, subalit bakit nga ba maraming mga tao ang nasa pagkukunwari at pagbagsak, ito ay dahil ayaw nilang mamulat at maging totoo sa sarili nila, na sana ay itapon na ang lumang pagkatao at itama lahat ng pagkakamali, na dating pinagtatawanan o di pinapansin ng ibang tao, na kailangan lakasan ang loob, magpakatotoo at maging tama ang gagawin, na imbis na paapekto sa mga problema ng ibang tao sa kanilang masamang pag-uugali na ayaw magbago, maging kapamilya,
kaibigan o mga kakilala lamang, na maaring siraan ka o takutin ka, harapin mo ang mga pagsubok at bumangon mula sa mga pagbagsak o kabiguan, imulat ang iba sa tama na maging masaya sa buhay na pinili at makuntento sa kung anong meron ka sa sarili o sa mga bagay bagay na pinagkaloob sa iyo, gamitin ang karungungan at lakas sa ikabubuti mo rin.

Marami mang balakid at mga pagbagsak, isiping ito ay normal lamang sa buhay ng tao, upang patuloy nating maunawaan at tayo’y maging ganap sa pamamagitan ng mga pagsubok at problema ng buhay, kasali sa karanasan natin at dahil naranasan na ng mga nauna sa atin at matanda sa atin, depende sa klase ng tao at sa situasyon nila noon, nagkakaroon ng malawak na pang- unawa ang bawat tao sa katotohanan kung marinig nila ito at maranasan din nila, na mula kung anong klaseng tao tayo at anong malalim na prinsipyong meron tayo.

Ang buhay ay puno ng misteryo at tanging Diyos lamang nakakaalam ng lahat lahat, may ilan sa mundong ito na nag dedesisyon para sa pagbabago at marami rin naman ang sadlak pa rin sa kahinaan nila at kamangmangan sa katotohanan, na mas pinili ang pagkukunwari para sa ikakasiya lamang nila, at takot na harapin ang iba’t ibang ugali ng tao lalo na ang mga masamang ugali ng mga mapanghusgang kapwa, imbis na kalimutan ang mapapait na karanasan ay binabalikbalikan pa natin at nagiging kalungutan natin imbis na harapin natin ang katotohanan para sa pagbabago, sana ay maging paalala sa atin ang salitang "pagpapakatotoo at pagkamulat" sa pag- papaalala na rin sa ating kapwa, at sa pipiliing landas sa buhay na ito na maging malaya sa lahat ng kamalian.


Author/Writer:
James M. Gutierrez
Baptist Preacher/Website Creator


James307
James307
Latest page update: made by James307 , Jun 7 2008, 2:22 AM EDT (about this update About This Update James307 Securing Page - James307

No content added or deleted.

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.